Friday, November 28, 2014

Katarungang Panlipunan


Ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran (binabaybay ding katwiran[1]), pagiging wasto o kawastuhan (binabaybay ding kawastuan), katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng karampatang pagkilala.[2]
Kaugnay o katumbas ito ng mga salitang pagwawastokaparehasan[2]kaganapan, at kapangyarihan.[1]
Sa pananampalataya, katulad ng Katolisismo o Kristiyanismo, tumutukoy ang katarungan sa palaging pagtupad sa "mahal na kalooban" ng Diyos, sa gawang kabanalang tulad ng pagbibigay ng limospagdarasal, atpag-aayuno; at may kaugnayan sa o katumbas din ng kabutihankabanalan, at relihiyon.[3]
Katarungang Panlipunan.  Ito ang polisiya nang ating bansa kung saan ang batas para sa manggagawa ay ginagawang makatao at sinusubukang pantayin ang pagkakaiba nang estadong panlipunan nang mga mangagawa at mga kapitalista, para ang makatuwirang layunin nang katarungan ay kahit papaano ay maipatupad nang maayos. PERO ang layunin nang pagkakapantay pantay nang mga mayaman at mahirap, manggagawa at kapitalista ay hindi kagaya nang prinsipiyo nang mga komunista o diktatorya, ang pagkakapantay-pantay ay hindi sa lubusang pagpaparte nang mga yaman sa bansa sa lahat nang mga Pilipino, kundi ang kahit papaano ay mabawasan ang pagkakaiba nang estado sa lipunan partikular na sa pagbibigay nang mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara sa mga mayayaman at kapitalista. Ang sabi nga ni Pangulong Ramon Magsaysay, kung sino ang may kakulangan sa buhay, ay dapat mabigyan nang mas maraming benipisyo sa batas. (mula sa kasong Calalang vs. Williams na sinulat ni Justice Jose P. Laurel)
Ang polisiya nang Katarungang Panlipunan (Social Justice) para sa manggagawa ay makikita mismo sa Saligang Batas, ito ang dahilan kung kaya nga ang lahat nang batas para sa mangagawa at mga desisyon nang mga hukom ay dapat laging naayon sa katarungan panlipunan.
Isa sa aplikasyon nang Katarungang Panlipunan ay mababasa sa Labor Code of the Philippines. Ayon sa nasabing batas, kung may pagdududa kung ano ibig sabihin sa kasulatan nang mga batas sa paggawa, dapat ang pagbibigay interpretasyon dito ay pumabor sa mga mangagawa. PERO kung malinaw na malinaw ang batas, wala nang dapat kilingan.
Sa prinsipiyo nang Katarungang Panlipunan din nagmula ang prinsipyo nang Katarungan Maawin (Compassionate Justice),kung saan pag-nagkamali ang isang mangagagawa, hindi agad agad na bibigyan sya nang mataas na parusa kahit na ito pa ang nakasulat sa kanilang napirmahan kontrata. Dapat bigyan sila nang kaawaan, na pag-maaring pababain ang parusa para sa kanila, dapat babaan ito. PERO dapat tignan maigi ang pangkalahatang pangyayari, kung bakit niya yun nagawa, kasama na din kung gaano na siya kataggal sa kompanyang pinagtatrabahoan. Tandaan lamang na hindi agad agad na babaaan ang parusa sa mga manggagawa, kasi may mga pagkakamali ang mga manggagawa na hindi na dapat kaawaan. Ang mga karapat dapat na manggagawa lamang ang kinaawaan, kasi kung garapal naman, dapat siyang maparusahan nang naayon sa kanyang ginawa.


Source:
https://www.facebook.com/permalink.php?id=143412402391493&story_fbid=343250475741017
http://tl.wikipedia.org/wiki/Katarungan



Kagalingan Sa Paggawa



Mga Pagpapahalagang Makatutulong sa Pagpapaunlad ng Kakayahan

    Isang mahalagang salik sa pagkakamit ng pag-unlad ang paglinang
ng kahusayan sa paggawa. Kahusayan na makakamit lamang kung ang
bawat isa ay mulat sa katotohanang mahalagang tuklasin at paunlarin ang
talino at kakayahang angkin.
     Lahat ay pinagkalooban ng Diyos ng talino, iba’t iba nga lamang. Ang
pagkakaibang ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong patingkarin ang
ating kakanyahan at natatanging talino.
     Ngunit hindi lahat ng tao ay nagpapahalaga sa mga handog na ito.
Sa halip na paunlarin ang mga ito, hinahayan na lamang nila itong manatiling
potensyal; kaya’t ang paggawa ay nagsisilbing pabigat sa kanila. Nagiging
pabigat ito dahil ang talino nila at kakayahan ay ayaw gamitin sa paggawa o
anumang makabuluhang paraan.
     Sa pagpapaunlad ng mga ito, mahalagang taglayin ng isang tao ang
mga pagpapahalagang makatutulong sa pagsasagawa niya ng layuning ito.
Halimbawa, kung sasanayin mo ang iyong sarili sa kaayusan at kalinisan sa
trabaho, hindi magiging mahirap sa iyo kung maging mataas ang
pamantayang ibigay ng iyong amo. Hindi ka na maninibago dahil nakasanayan mo na ang maging maayos. Kung lagi kang nasa takdang oras
kumilos, hindi ka mahihirapan kung mahigpit ang iyong opisina sa
pagpapatupad ng timeliness sa pagsusumite ng mga natapos na gawain
     Isang magandang halimbawa ang buhay ng Papa Juan Paulo II.
Noong kanyang kabataan ay mahilig siya sa teatro. Mahusay din siya sa
pagsulat. Bagaman hindi naging artista o propesyonal na manunulat, nagamit
at napaunlad niya ang talinong ito nang siya ay maging Papa ng Simabahang
Romano Katoliko. Ang kaalaman niya at hilig sa teatro ang naging daan
upang pahalagahan niya ang paggamit ng media bilang instrumento ng
paglalapit ng simbahan sa mga mananampalataya. Ang talino niya sa
pagsulat ay ginamit niya sa paggawa ng mga aklat at encyclical na nagsulong
sa mga paniniwala ng Simbahan.
     Nararapat rin na ikaw ay matiyaga at laging handang matuto.
Marami kang matututuhan sa pagmamasid sa mga taong mahusay
magtrabaho. Hindi lahat ng bagay ay matututuhan mo sa pagbabasa ng aklat.
May mga pamamaraan sa pagsasagawa ng gawin na matututuhan mo
lamang kung aktwal mong gagawin ang trabaho o sa pakikinig sa karanasan
ng iba. Mahalaga rin na bukas ang iyong isipan sa mga bagay na maaari
mong matutuhan. Nararapat na handa kang tanggapin ang puna ng iba kung
ito’y makatutulong sa pagpapabuti ng iyong kakayahan at kasanayan.
     Minsan lamang tayo daraanan sa daigdig na ito, sabi nga ng isang
awitin, kaya’t mahalagang pagbutihin na natin at gamitin ang talinong taglay
para sa pag-unlad natin at ng ating kapwa tungo sa ikapagkakamit ng kabutihang panlahat.





Source: http://www.e-turo.org/files/Module%2019.pdf